Wala akong magawa. Ito ang dahilan kung bakit ko nasimulan ang blog na to. Ngayon ako'y nagbabalik sa parehong kadahilanan.
Wala akong magawa. Wala akong gustong gawin. Marami akong gustong gawin. Paulit-ulit ulit ulit ulit.
Napaisip ako, ang layo na din ng narating ko ano? Oo. Malayo. Ang layo layo na. O e ano naman ngayon. Wala. Wala lang. Ako pa rin to. Ganito pa rin ako magsulat. Ganito pa din ako mag-isip. Ganito pa rin ang style ng pagba-blog ko. Random. Puro period pero type ng type lang.
Ano ipinaparating ng sulating to? Ayan nakalagay sa title: WALA. Bored na bored lang talaga ako.
"So ano ba talaga gusto mo?" Marami. Marami akong gusto. Maraming bagay din ang nagawa ko na. Umaayon naman sakin ang mga plano.
"So may problema ba?". Wala. Walang problema. Ayoko din ng problema.
"So ano nga punto mo?" Wala.
Yun ang sagot: WALA
Ang post na ito ay tungkol sa wala.
Paano ko ba made-describe ang wala maliban sa wala?
- Kumain ako ng beef noodle soup. Nasarapan ako. Nabusog ako.... Wala
- Anytime nakakabasa ako ng bagong libro sa library. Andami dami ko ng natapos.... Wala
- Kanina lang may kausap ako. Nagtawanan kami.... Wala
- Nagagawa ko lahat ng gusto ko. Masaya ako sa kalayaan ko.... Wala
Tulad ng sinabi ko ayos ako sa kinatatayuan ko at nais kong magpatuloy tuloy tuloy (echo) lol. Yun nga lang... Wala.
Kasi nga lahat paulit ulit. May kakaiba man, lahat ay tumitigil pa din sa kawalan. Kasi nga... wala.
Baka isipin nyo, depressed siguro tong taong to. Hindi. Tinatamad lang talaga ako sa wala. Kelangan ko maghanap ng meron pero kahit lagi namang may meron may wala pa din. Kasi nga... wala.
Parang tong post na to, pilitin nyo man hanapan ng katuturan, pilitin nyo man hanapan ng deeper meaning dahil sa mala talinghagang pagsusulat ko, wala pa din.
Kasi nga... WALA. lol