Tim Van Damme Inspired by Tim Vand Damme

About me

My photo
An alien. Usually quiet. Suddenly smiles or laughs. Screams near roaches. Hugs kitties. No sense of direction. Can't sleep without mosquito net. Snobbish. Absent minded. Childish. Silly.Careless. Squid phobic. Japanophile. Interested in useless/crazy stuffs. Has random taste in music. Loves fashion but wears trashy clothes. Curious minded. Bookworm. And simply crazy. That's me.

Blog

24 December, 2008

EWAN...


Hindi ko alam kung bakit ko ginawa ang account na ito. Basta, nagsimula lang ang lahat sa paglagok ko ng tatlong baso ng tubig bago mag-almusal. Sabi kasi maganda daw sa katawan ang "water therapy". Atleast 4-6 glasses ang dapat inumin sa umaga habang wala pang laman ang tiyan. Sinubukan ko para masaya. Pero allergic 'ata talaga ako sa tubig.Dalawang baso pa lang gusto ko nang isuka. Pinilit ko pa ring inumin yung ikatlong baso. Feeling ko nag-roller coaster ride ako ng sampung beses.Hindi na ako nag-attempt sa pang-apat na baso. Baka malunod pa ininom ako. Ang sama tuloy ng pakiramdam ko. Pwede ko namang ibuga lahat ngko pero sayang naman ang effort kaya wag na lang. Kaya ang naisip ko, i-distract ang sarili sa pamamagitan ng internet. Kung anu-ano na lang ang pinagbubuksan kong site hanggang sa mapadpad ako dito. Kaya heto ako ngayon, nagsusulat ng walang kawenta-wentang bagay. Sa mga oras na 'to, medyo bumubuti na ang kalagayan ko. Parang kakasakay na lang ng gumegewang gewang na bus ang pakiramdam ko. Hindi ako sigurado kung may magandang epekto ang ginawa ko kanina. Ang alam ko lang na- trauma ako sa pag-inom ng tubig.

Habang nakaharap ako sa computer. Meron namang malaking gamu-gamo na nakatambay sa monitor ko. Naligaw sa loob ng sala namin hanggang nakarating ng kwarto ko. Minsan bigla na lang lilipad para maghanap ng labasan. Binuksan ko na nga ang pinto e. Sa huli, na-shoot siya sa baso at na-trap. Kaya dinala ko sa labas ang baso at nakawala din siya sa wakas.

Dahil wala akong magawa, nag-research ako ng tungkol sa gamu-gamo. Maliban sa larawan ng gamu-gamo, may napasukan akong local forum na nagtatalo tungkol sa kung ano talaga ang gamu-gamo. May nag-post ng larawan ng anay at sinabing yun ang gamu-gamo, may nakipagdebate pa na isang uri ng ibon ang gamu-gamo, may nag-post ng tunay na itsura ng gamu-gamo at pinagsabihang paru-paro daw yun.

Pagkatagalan nabagot din ako kaya ang pagta-type na lang ng blog ang kinahantungan ko. At dahil tinatamad na ako. Malamang ihihinto ko na 'to. Period.
 --------------------------------------------------------------------------------------------
Credits:
Image from http://circle-time.blogspot.com/2008_01_01_archive.html


0 comments:

Followers


wingcharm Design by Insight © 2009