Mag-a alas dose na nung dumating ako sa bahay. Tulad ng inaasahan, maingay ang paligid. Paputok, radyo at mga lasenggong nagko-concert ang nag-merge para sa selebrasyon ng Pasko. Pero kapitbahay namin yun, hindi sa amin. Kasi pagdating ko, nasa kama ang lahat natutulog.
Maya-maya lang nagbatian na kami ng "Merry Xmas". Hindi ko maintindihan kung solemn lang talaga ang naging batian namin o napipilitan lang kaming magsabi ng "Merry" sa Xmas. Natawa na lang kami nang mapansin namin na pareho kaming apat na nakasuot ng dark blue na shirt na parang nag-usap. At dahil out of place yung kapatid kong naka-grey na shirt, nagpalit na rin siya ng dark blue din. Eksaktong eksakto outfit namin. Pwede nang sumayaw.
Pagkatapos, kumain na kami. Empanada, pansit at puto ang handa namin. Siyempre may drinks na tubig. Hindi namin alam kung ano ang hiwagang nangyari sa lasa ng pang-noche buena namin. Sinisi ng kapatid ko yung mismong bihon kaya naglasang usok ng tambutso ng sasakyan yung pansit. Sabi ng nanay ko, mali lang daw ang timpla. Ayon naman sa tatay ko, mapait daw ang empanada, sabi ng kapatid ko masarap daw, sa isip ko naman lasa yung mantika. Sabi ng nanay ko, ang may pakana daw e yung klase ng margarine na nilagay. Hindi daw kasi branded. Buti na lang matino yung puto at may binigay na mechado o afritada ang kapitbahay namin.
Pagkatapos kumain, binuksan na ng kapatid ko ang mga regalong natanggap niya. May natanggap din naman ako, isang guyabano soap. Pero di ko na pinaabot nang pasko para buksan yun. Naki-usyoso na lang kami sa laman ng regalo. At pagkatapos, natulog na sila. At ako, tulad ng dati nagko-computer.
---------------------------------------------------------------------------------------------

Credits:
Image by Yellowstoned (http://browse.deviantart.com/?q=blue&order=9&offset=48#/d11eu8k)
0 comments:
Post a Comment