Tim Van Damme Inspired by Tim Vand Damme

About me

My photo
An alien. Usually quiet. Suddenly smiles or laughs. Screams near roaches. Hugs kitties. No sense of direction. Can't sleep without mosquito net. Snobbish. Absent minded. Childish. Silly.Careless. Squid phobic. Japanophile. Interested in useless/crazy stuffs. Has random taste in music. Loves fashion but wears trashy clothes. Curious minded. Bookworm. And simply crazy. That's me.

Blog

24 February, 2010

CELLPHONE...


February 18, 2010, mga 1:30 ng tanghali, nasa loob ako ng MRT patungong Ortigas. Tulad ng dati may nakasaksak na earphone sa tenga ko, nakikinig sa aking IPOD.

Maya-maya nakita ko na ang signboard ng Ortigas. Masikip na naman sa loob kaya nakipagsiksikan ako palabas ng tren. Nang malapit na ko sa labasan, may nakita akong itim na Kingcom Cellphone case sa sahig. Tinanong ko ang babaeng katapat ko kung sa kanya yun. Sabi niya hindi, baka daw pagmamay-ari ng isa sa mga lumabas ng tren.
 
Hindi ko na pinulot. Lumabas na lang ako.Pero may tumawag sakin. Ihabol ko na lang daw yung celphone sa may-ari. Kinuha ko naman. Dali dali akong naglakad at isa isang tinanong ang mga nakasalubong kung sa kanila ang gamit na hawak ko. Lahat sila humindi.


Sa isip isip ko, kailangan kong magmadali. May misyon akong dapat gampanan. Kawawa naman ang may-ari. Mukhang mamahaling cellphone pa naman 'to.

Malapit na ako sa exit. Nagsisimula nang lumabas ang mga tao. Unti-unti na ring lumalayo ang chansa kong maibalik agad ang mamahaling celphone. Kelangan kong makuha ang atensyon nila. Kaya agad agad, inipon ko ang aking tapang at nagtanong ng malakas: "EXCUSE ME PO... MERON PO BANG NAGMAMAY-ARI NG HAWAK KO?"

Nagtagumpay ako. Lahat sila ay lumingon.
Pero sa kasamaang palad, walang umangkin.

Ibigay ko na lang kaya sa mamang guard? Pero ibalik niya kaya sa may-ari?

Maya-maya may lumapit na babae kasama ang guard. Sabi niya, "Miss, buksan mo na lang yung cellphone, para ma-contact mo ang may-ari."
 

Oo nga naman.

Dahan-dahan,tinanggal ko ang magnetic lock ng nasabing case. Sa gilid pa lang ng case ay makikinita na ang mamahaling texture ng nasa loob nito. Silver color at makintab pa. Mukhang touch screen na pang business phone.
 

Ayan. Nabuksan ko na. Wala akong nakitang screen. Sliding phone pa ata. Flat pa. Astigin. Binasa ko ang brand............. Neutrogena.

0 comments:

Followers


wingcharm Design by Insight © 2009