Tim Van Damme Inspired by Tim Vand Damme

About me

My photo
An alien. Usually quiet. Suddenly smiles or laughs. Screams near roaches. Hugs kitties. No sense of direction. Can't sleep without mosquito net. Snobbish. Absent minded. Childish. Silly.Careless. Squid phobic. Japanophile. Interested in useless/crazy stuffs. Has random taste in music. Loves fashion but wears trashy clothes. Curious minded. Bookworm. And simply crazy. That's me.

Blog

25 November, 2010

FINISH LINE...

Kakauwi ko lang ng bahay. Pagkatapos magbihis ng madalian, derecho agad sa harap ng laptop para mag-net.

Ganun talaga pag adik sa computer.

Check agad ng facebook account. Click click click.
Ok, Backyard monster naman. Check ko lang kung may nanira na naman ng base ko. Good. Wala naman.Check naman ng mga updates. Nothing really interesting.
Wala na akong magawa. Click click click.

Bored.

Teka, ma-search ko nga uli yung first crush ko nung grade 4. Baka sakaling sumulpot na siya this time.

Type type type... Wala pa rin. Ano nga spelling ng second name nya? Type type type... Wala pa rin. E isama ko kaya middle name niya... Zero search na lumabas.

Haist. Bakit ba hanggang ngayon e hinahanap ko pa rin ang mokong na yun? Wala na naman akong feelings sa kanya.

Pero may something about first time e. Siya ang kauna-unahang nagpakilig at nagpa-blush sakin. 

Unang pinagselosan ko nung naghawak kamay sila nung girl classmate ko sa "Our Father" nung first Friday mass sa school. 
Unang guy na nakaasaran ko. Unang guy na nakita kong "cool". 
Kaisa-isang taong nag-offer sakin na iwan ko na lang project niya sa locker para mai-submit namin
tomorrow pero naiwan niya susi kinabukasan kaya pareho kaming late ng submission pero di pa rin ako nagalit sa kanya. 
Siya ang dahilan kung bakit na-appreciate ko na dati ang Eraserheads at Rviermaya dahil hilig niyang kantahin.
Unang guy na hinangaan ko habang sinasabi niya sakin ang pangarap niyang maging lawyer tulad ng uncle niya. 
Siya ang guy na madalas kong i-kwento sa nanay ko na nagpa-realize sakin na nagkaka-crush na pala ako.

Misteryo pa rin kung nagkagusto din siya sakin noon.
Lagi niya kasi kinukwento sakin yung crush niya sa kabilang section na magandang chinita.

Pero gusto kong isipin na oo. Hehe.
Bakit siya nagpaalam sakin na pupunta na siyang States next year?

At nung Grade 5 ako, first day of school, bakit pa niya tinanong sa kapatid ko at hinanap kung saang section ako?
Dumungaw daw siya sa bintana pero di ko man lang nakita.

Yun ang huling balita ko sa kanya.

So nung naimbento ang Friendster, siya agad hinanap ko ng paulit-ulit. Wala. 
Nung naimbento ang Facebook, siya uli ang paulit-ulit kong hinanap. Wala pa rin. 
One time, Pati phone directory pinatulan ko. Nandun ang mismong pangalan niya.
Nakapagtataka. Bumalik na ba siyang Pinas? Alangan namang tawagan ko. Atleast nalaman kong nag-eexist pa rin siya.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Back to the present.

Teka, parang kanina ko pa napapansin tong pangalan na to sa search page ah. Ma-click nga. Hmmm... hindi naman niya mukha to... Teka parang may similarity... yung mata.

Wait, ma check nga yung mutual friends. Ala naman.
Check ko nga ka-apelyido niya sa Friend list. Ayan may lumabas. Isa lang. Malamang ate nya to.

Teka, alam ko si Crush may ate din e. Lagi niyang sinasabi na mataba ate niya dati. Ma-click nga yung pic kung mataba.

Oh no. Mataba nga.

Matingnan nga info... Wala. Yung highschool at university schools lang nasa list niya.

Pati si suspected crush di nakalista yung elementary school niya.

Binasa ko walls niya. Parang di ko talaga ma-konek yung crush ko dati sa mga nakasulat sa page ng lalakeng to.
Una sa lahat, hindi ko maisipang papasok siya sa Lagro HS. E public school yun dba? Alam ko mayaman siya. Lalo nang pumasok sa PUP,unbelievable! In the first place, he's supposed to be in the States.

Isa pa. Ano tong nakasulat sa wall niya. Mostly about Youth mass??? Never kong naisip na magiging religious yun.

Pero ewan ko. Tumuloy tuloy pa rin ako sa panghahalungkat.

I checked his ate's albums. Kasama lang niya mga friends niya. Si suspected crush naman naka-private photos niya. Tsk tsk.

Isip isip.

Oh wait! August Bday ni Crush. Nakalimutan ko na yung mismong date pero sure ako sa month. Ma-check nga wall post.

Uhhmm... ok. May bumati sa kanya ng August 8. But still I'm not convinced. Could be a coincidence.

I badly need to know kung saan siya nag elementary!

Ok, I'll type suspected crush' name and our elem. school.
Puro espanyol lang lumabas.

Dead end.

How about, Suspected crush ate + elem. school.

Shooot! Merong lumabas!!! Nag message si ate sa FS account ng elem. school namin.

Teka baka kapangalan lang, let me check the photo. Parang magkamukha naman yung sa FS at sa FB photo. Pero I still can't believe it!!!

Now I need to know this ate's middle name.

So I did type her Supposed to be full name.

Waaaah! May lumabas, naka emphasize pa yung middle name. Her name is listed sa isang school web page. Hindi yun ang elem school ko pero familiar yung name.

I checked the ate's FB again. At ayun nakalista ang name ng school as "Highschool" niya.

So confirmed. Lahat ng direksyon ay nagsasabing ang lalakeng yun ay kapatid niya at ang middle name ay pareho sa crush ko nung elementary.

But I need to see more of his pics!!!

I just tried to click his profile pic.

And voila! Lumabas ang ibang images. At dun ko na-realize na totoo nga! It's him! Nag-iba na mukha niya. 
Tumaba na siya, mukha na siyang dugyot, hindi na siya maputi, hindi na siya cute, mukha na siyang mama!!! May sarili siyang band. May picture pa siya na nagto-talk sa simbahan. Who is this guy????!!!

I got totally disoriented!

Nasan na yung guy na expected kong lalong gumwapo at may picture sa Tate? Yung guy na expected kong lalong magiging cool yung porma? Yung guy na inakala kong naka formal lawyer outfit na ngayon? What happened???

Oh well... the answer is "Change". Na-trap lang ang utak ko sa isang elementary guy na nakilala ko noon.

But I'm not really that disappointed. I feel actually happy. I'm glad because I've finally solved a part of a puzzle after searching for a long long time. No more wonderings. Parang nakumpleto ang importanteng bagay sa past ko.

Na-realize ko din, ba't nga pala ako magtataka na may band siya? E diba mahilig na siya sa banda dati pa? Hmmm... siya kaya vocalist or drummer?

And the best thing is, nalaman ko na lumaki siyang isang matino at disenteng lalake. Oo mukha siyang rapper na jejemon na hip hop na,rocker na punk na ewan. Pero active church member siya at doon naglalaro band niya. Sa mga wall post niya, hindi ako magtataka kung magiging pastor din siya. Hehe.

One last realization.

Bakit kadalasan ata ng naging crush ko e musikero o naging musikero pero boyfriend ko di man lang marunong maggitara? Hehehe.

Love is ironic. Mwah.


2 comments:

~KATE~ said...

whahahahaha!
enjoy ka talaga sumulat ng blog, wingcharm!
sulat ka pa nang marami!

more! more! more!

it's good to hear na u finally solved a part of your past. pero wait lang. in-add mo ba sya as friend sa FB?

yeah. i believe love can be ironic. LIFE is ironic.

at least masaya ka naman sa piling ni BF kahit di sya musikero....basketbolista lang. hek! hek!

wingcharm said...

Ehm... hindi ko na inadd. Magulat pa siya e, Hehe.

Followers


wingcharm Design by Insight © 2009